Translate

Translate

Huwebes, Nobyembre 6, 2014

Paglalakbay Patungong Puerto Galera



Hi Bloggers and Readers. Gusto ko lang i-share ang aking mga masasayang karanasan sa iba't ibang lugar na aking narating.

Ang blog po na eto ay TAGALOG Version. Para sa mga mahilig maglakbay ng commute lang. 


UNANG ARAW NG PAGLALAKBAY.

Matatagpuan ang mga sakayan ng BUS papuntang Batangas Port:
Cubao (BLTB, Jam Liner, Batangas Express Line)
LRT Taft (Buendia) 
Papunta sa Buendia galing kami ng crossing, Sumakay kami ng bus ppuntang (LRT Taft)
Umalis kami ng 5:30am. *Php 14.00 pesos only 




*Isa sa mga kasama ko naiwan nya ang kanyang mga gamit sa bus na sinakyan namen. ayun! Saklap! wala syang gamit kahit ano! Hahaha ☺ 

Pagdating sa LRT Buendia sumakay kami ng Batangas Express *mas mura kasi kesa DLTB & BBL*
Syempre! Kahit na may budget ka mas masaya pa dn kung makakatipid ka :D
Range: Php 110.00 - Php 150.00 pesos

Mahigit 2 oras at  kalahating minuto ang byahe papuntang Batangas port, depende sa bilis ng bus.



8:00 AM * BATANGAS PORT - Eto na kami !! ☺
Environmental Fee: Php 50.00 adult
child 12 years old and below (excempted)
Terminal Fee: Php 30.00
Rountrip Boat transfer: Php 500.00 (roundtrip)
Note: kung ppunta ka ng white beach, Minolo Shipping lines sakyan nyo kasi derechu sa white beach yun. Yung iba kasing boat dumadaan pa sa ibang babaan. 



Mahaba-habang paglaklakbay sa karagatan . zzzz Antok pa kami!! 
Hahaha stolen shot muna mga kapatid! ☺ Peace!

♥ COUPLE No.1 

♥ COUPLE No.2

Walang Couple . Hahaha ^^v

Selfie pa more! ☻ ☻


Halos 2 oras dn ang paglalakbay sa karagatan. Pag malakas ang alon mas maganda . Hehe Para kang idinuduyan sa alon. Chos!! pag medyo malakas ang alon medyo mabagal ang takbo ng bangka..


☺ ☺ ETO NA KAMI! YEHEY! ☺ ☺
NOTE: Derechu kau sa naglilista ng mga passenger kung kelan kau babalik papuntang batangas port para hindi na kau magkaproblema pag uwi nyo, sapagkat ang mga bangka na pumupunta ng white beach ay nkaschedule.


Nag stay kami sa VM Resort katabi ng White Beach Resort:
Rates: Php 1,500.00/room good for 4 to 6 person.
Peak season

Meron silang restaurant kung gusto nyong mag-agahan pagdating sa Puerto Galera. 
Busog kana sa food nila. madami pang kainan na malapit sa VM resort pero kung first time mo sa puerto galera kahit dyan na lang kau sa katabi, nagluluto sila ng isda o barbeque.

Php 100.00 - Php 150.00 

Pagkatapos kumain nagphinga lang sa kwarto ng mga isang oras, sapagkat may mga aktibidad na ggawin, para maenjoy ang Puerto Galera ☺


Sa akin palagay mas makakamura kau ng mga gusto nyong gawin kesa kumuha kayo ng packages. Sapagkat may ibang mga resort na nag ooffer na ng mga pdeng gawin sa puerto galera.

Ready na para sa Island Hopping Tour.



Island Hopping Tour 
Php 1,500.00 (Boat Rental) Good for 6 person
inclusion: Lifevest , Snorkling gear


Snorkeling @ Coral Garden
(Php 350.00/person *small boat rental (max.2 person)
Ang maliliit na bangka, sila yung mabagal na hahawakan nyo habang hinihila kau ng e-snorkling. Super sulit ng bayad nyo. pag nasa malaking bangka kasi ang hirap pumunta sa may mga Corals at iba't ibang kulay ng isda kasi ang layo pa nun.
Note: Magdala na ng tinapay kasi pde na magfish feed habang nagsnorkling.


Super enjoy habang nagpapakain ng isda..☺ Ang saya lang!
Sumunod na pinuntahan namen

Underwater Cave 
Additional: Php 250.00/person

Woo! Picture picture ☺
Unlimited Picture! Hahaha dito maganda magpicture ng bonggang bongga..



aakyat ng mga batuhan para mkapasok sa loob ng cave



Note: Magdala ng tsinelas, Masakit sa paa yung mga bato, antalas kasi.




Eto na, ppasok na! ☺



Woo!! Super lamig ng tubig.. >.<





Masaya! Malamig! Nakakapagod na masayang gawin.. Sulit! at higit sa lahat mababait yung mga bangkero.. Pagkatapos ng Cave Experience, ppuntang ibang island nmn..


ang init! Sobra.. Wag na wag nyo kakalimutan shades nyo.. 

Next destination: 
APLAYANG MUNTI





Medyo mahal mga foods nila dyan.. Ihaw ang karaniwan na mga bnbenta sapagkat malayo sa kabihasnan ☺
Pde kaung magbaon ng food, kasi pde nyo nmn iwanan mga food nyo sa Malaking bangka..
Nun mga time na pumunta kami dyan.
Php 100.00 - Php 150.00
*Kanin + Itlog na pula with kamatis lang kinain namen, masarap yung buko nila, matamis ang sabaw, hindi kagaya ng mga nabibili sa mga bayan na walang lasa ang sabaw ng buko.

5:00pm balik na sa Resort.. Hahay! Nakakapagod na super saya.
☺ ☺ ☺ ☺ ☺ ☺ ☺ ☺ ☺ ☺ ☺


Pagkatapos ng tour. Pwede nyo ng gawin mga gusto nyong gawin. May mga market, bilihan ng souvenir, mga resto bar. Mga 8:00pm ng gabi may mga ngssimula na dyan ng fire dancing ☺



♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
NIGHT ATTRACTION





walang bayad yan. Hahaha pero kung gusto nyo pde kau mgbigay ng tip.
12:00mn : Pahinga muna para sa susunod na araw. ☺